Daan-daang food packs, naipadala na sa Batanes bilang paghahanda sa Bagyong Egay

Daan-daang food packs, naipadala na sa Batanes bilang paghahanda sa Bagyong Egay

NAIHATID na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kinakailangan tulong para sa lalawigan ng Batanes.

Ang ipinamahaging 300 family food packs ay isinakay sa Philippine Air Force C295 aircraft para sa nasabing lalawigan bilang paghahanda sa umiiral na Bagyong Egay sa bansa.

Tiniyak ng DSWD na handa ang pamahalaan sa pagsusuplay ng pagkain lalo na sa ganitong uri ng kalamidad.

Naging katuwang ng ahensiya sa paghahatid ng mga family food pack ay ang Social Welfare and Development (SWAD), Provincial Social Welfare and Development (PSWD), at Philippine National Police (PNP).

Kasama rin ang Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Marine Corps, Philippine Air Force (PAF) at mga personnel at staff ng Provincial Government ng Batanes.

Nabatid na ang island province ng Batanes ay isa sa maaapektuhan ng mga pag-uulan dala ng Bagyong Egay.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble