TUWING April 25, maliban sa kaarawan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ay kaarawan din ito ng milyun-milyong kabataan sa buong mundo.
Ganyan kalapit ang puso ng butihing Pastor sa lahat ng mga kabataan na ultimo ang kaniyang kaarawan ay inilaan niya para sa kanila.
Sa Davao City, partikular na sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound ay sinimulan sa parada ang naging birthday celebration ni Pastor Apollo.
Meron ding iba’t ibang booth para sa mga bata gaya ng candy booth, bread booth, popcorn booth, at ang ice cream booth.
Unlimited ang kuha ng mga bata at sobrang excited ang mga ito.
Maliban diyan ay mayroon ding feeding program kung saan ang bawat bata ay mayroong foodies galing sa Waxi’s, ang bagong food hub sa Davao City gaya ng chicken at burger.
Naki-jamming din ang mga bata sa banda ng KOJC at bibong-bibong nakilahok sa parlor games.
At siyempre, hindi mawawala sa selebrasyon ang cake blowing kung saan ang ‘giant cake’ ay inihanda para sa mga bata.