Danyos ng lindog sa Abra, aabot sa P85-M

Danyos ng lindog sa Abra, aabot sa P85-M

INIULAT ng National Disasters Agency na aabot na sa P85-M ang naging danyos ng magnitude 6.4 na lindol sa Abra noong October 25, 2022.

Dagdag pa nito na 13,500 ring kabahayan ang nasira mula sa malakas na pagbayo ng lupa.

Kasunod nito, inanunsyo rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na tumaas ang bilang ng mga nasaktan sa lindol na aabot sa 139 katao.

Kung saan 38 dito ay mula sa Region 1 at 101 naman ang mula sa Cordillera Administrative Region.

Wala naman naiulat na namatay sa lindol na naramdaman din sa iba’t ibang bahagi ng Luzon.

 

Follow SMNI News on Twitter