Daryl Yap, itinanggi na may kinalaman ang TAPE Inc. sa Pepsi Paloma Movie

Daryl Yap, itinanggi na may kinalaman ang TAPE Inc. sa Pepsi Paloma Movie

MARIING itinanggi ni kontrobersiyal na direktor Daryl Yap na may kinalaman ang Television and Production Exponents Incorporated (TAPE Inc.) sa kaniyang nalalapit na pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma”.

Ayon kay Yap, hindi ito pinondohan ng mga anti-Sotto at hindi layuning linisin ang “Sotto connection.”

Subalit, ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, nakita umano si Yap kasama ang mga mayayamang personalidad na may koneksiyon sa politika.

Kamakailan ay humarap sina Vic Sotto at Daryl Yap sa korte sa Muntinlupa para sa pagdinig ukol sa petisyon ni Vic Sotto, na nagsusumite ng writ of habeas data laban sa pelikula ni Yap.

Sa ngayon, pinagbawalan ng korte sina Sotto at Yap na magkomento tungkol sa isyu.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble