DOH may paalala ngayong April Fool’s Day

DOH may paalala ngayong April Fool’s Day

KINIKILALA ng Department of Health (DOH) ang unang araw ng Abril bilang April Fool’s Day kung saan mayroong outbreak ng pranks at jokes.

Pero ayon sa ahensiya, may mga bagay na dapat ikunsidera para manatili ang pagdiriwang nito sa malusog na paraan.

Paghihimok ng ahensiya sa mga prankster, huwag makasakit.

Dapat aniyang iwasan sa April Fool’s Day ang mga biro na may kaugnayan sa sakit, karamdaman, at iba pa na may kinalaman sa physical, at mental conditions.

Iwasan din, ayon sa ahensiya ang pagbibiro patungkol sa loss of life o kamatayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble