Dating Japan PM, ilang pulitiko sa Japan nanawagan na kilalanin ang ‘one-China’ principle

Dating Japan PM, ilang pulitiko sa Japan nanawagan na kilalanin ang ‘one-China’ principle

NANAWAGAN ang dating Prime Minister ng Japan na si Yukio Hatoyama na huwag makialam sa mga internal na usapin ng China, at hindi rin dapat suportahan ang mga pwersang separatista sa rehiyon ng Taiwan.

Sa kanyang pagdalo sa isang forum sa Chinese Embassy sa Tokyo, ito ang ipinunto ni Hatoyama at sinabing dapat na igalang ang one-China principle kung saan ang Taiwan ay bahagi ng estado ng China.

“I think the most important point is that the Japanese government should fully understand the one-China principle. China is a whole and Taiwan is an inalienable part of China. The People’s Republic of China is the only government representing China. We must understand and respect this position,” Yukio Hatoyama Former Japanese Prime Minister said.

Dagdag pa ng dating prime minister – hind dapat gumawa ng mga pagkilos ang Japan na makasasama sa relasyon nito sa China lalo na’t magkapit-bahay ang mga ito.

“At least the Japanese government should never make provocations. Regrettably, however, such things have already happened. Japan and China are neighboring countries and should maintain close bilateral relations,” Hatoyama added.

Ang nasabing forum ay dinaluhan din ng ilang political parties, mga government official, at mga kilalang iskolar upang magpalitan ng pananaw tungkol sa isyu ng Taiwan at relasyon ng China at Japan.

Isa din sa ikinabahahala ng mga lider sa Tokyo ay ang mataas na paggastos ng kanilang gobyerno para sa mabilis na pagpapalakas ng pwersang militar ng Japan at ang agresibo nitong pakikitungo sa mga kalapit nitong bansa sa Asya.

Inalala ng mga lider at scholars ang World War II kung saan isa ang Japan sa naging sentro ng trahedya ng digmaan.

Kaya naman nanawagan ang mga ito na pigilang maulit ang ganung trahedya.

Umaasa naman si Mizuho Fukushima, head ng Social Democratic Party, na makikipagtulungan ang Japan sa mga kapit-bahay nitong bansa sa Asya, at maging kaibigan sa lahat ng bansa sa buong mundo

“We hope to work together with countries in Northeast Asia and across the Asian continent and even friends from all over the world to achieve this goal,” Mizuho Fukushima Head, Social Democratic Party said.

Samantala, ayon kay Takakage Fujita, secretary-general ng Association for Inheriting and Propagating the Murayama Statement, noong mga nakaraang taon, ilang beses nagkaroon ng bentahan ng armas ang Estados Unidos at Taiwan.

At ilang beses din ang pagbisita ng ilang high-ranking US officials sa Taiwan at madalas na pagpunta ng US warships sa Taiwan Strait.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter