Dating Pangulong Duterte, dumalo sa OFW Pasasalamat event sa kanya sa Hong Kong

Dating Pangulong Duterte, dumalo sa OFW Pasasalamat event sa kanya sa Hong Kong

DUTERTE pa rin ang sigaw ng mga kababayan natin sa Hong Kong sa OFW Pasasalamat event kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Personal na nagpunta ang former President para paunlakan ang imbitasyon ng mga Filipino Community.

Sa kanyang speech, pinasalamatan nito ang OFW Community dito sa Hong Kong sa malaking ambag nila para sa bayan.

May patama rin siya sa napababalitang arrest order sa kaniyang ng International Criminal Court (ICC).

Saad ng dating Presidente, ang lahat ng ginawa niyang polisiya bilang Pangulo ay para sa kapakanan ng bawat Pilipino.

Nagbiro naman ito sa harap ng OFWs na kung tutuluyan ito ng ICC ay mag-ambagan na lang ang mga kabayan para magpagawa ng statwa katabi ni Jose Rizal.

Giniit naman ni dating PRRD na hindi ito natatakot dahil wala itong ginawang mali at labag sa batas.

Umani naman ng malakas na palakpakan ang speech na ito ng former chief executive.

Nauna namang nagbigay mensahe sa harap ng Filipino Crowd si VP Sara Duterte.

Buod ng kaniyang mensahe na maging mapanuri ang mga botante sa eleksyon at huwag magpadala sa vote buying.

Naghayag rin siya ng suporta sa buong 9 Duterte Senate Slate.

Bago dumating ang dating Presidente ay nagsalita sa harap ng KOJC at Filcom crowd ang mga pambato ng PDP-Laban.

Kabilang dito sina Attorneys Jimmy Bondoc, Rodante Marcoleta, JV Hinlo at Vic Rodriguez.

Video message naman ang ipinadala ni Senator Bato dela Rosa habang present naman si Senator Bong Go.

Nandon din ang independent senatoriable na si Dr. Richard Mata habang nagpadala naman ng representative si Atty. JV Hinlo.

Si Pastor Apollo C. Quiboloy naman ay kinatawan ni KOJC Executive Secretary Sis. Eleanor Cardona at Atty. Israelito Torreon.

Present din ang mga partylist na allied sa Duterte Senate slate.

Samantala, naghayag naman ng suporta dito sa Hong Kong si VP Sara Duterte at Sen. Robin Padilla kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter