MAAARING hindi ikulong agad.
Ito ang tugon ni dating Dangerous Drugs Board (DDB) executive director at dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Dionisio Santiago sa pagdi-decriminalize ng small-time illegal drug users.
Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni Santiago na maganda ang ideyang idaan lang muna sa rehab ang mga ito.
Kung matatandaan ay ipinanukala ni Sen. Bato dela Rosa ang dekriminalisasyon ng small-time illegal drug users upang ma-decongest ang mga piitan sa bansa.
Kalaunan naman ay sinabi ng senador na posibleng hindi niya itutuloy ang pagsusulong ng panukala dahil maaaring negatibo ang magiging resulta nito.
Samantala, suhestiyon ni Santiago na mas mainam kung mahanapan ng paraang matigil ang suplay ng iligal na droga sa bansa.