ILILIPAT ng pasilidad ng Philippine National Police (PNP) si dating Senador Leila de Lima para sa kanyang kapanatagan.
Ito ay matapos ma-hostage ng miyembro ng Abu Sayyaf sa loob ng PNP Custodial Center sa Camp Crame kahapon.
Sa pulong balitaan, sinabi ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. hinihintay na lamang nilang maayos ang paglilipatan kay de Lima para makabalik na ito sa Custodial Center.
Pansamantalang namalagi si De Lima sa PNP General Hospital para mamonitor ang lagay nito bagama’t hindi nagtamo ng sugat sa insidente.
Una nang hinimok ni Senador Imee Marcos si De Lima na magpasuri sa doktor at kunin ang extended home furlough na inaalok ng PNP at Department of Justice noong Hulyo.