Dating Thai PM, nahaharap muli sa isang kaso

Dating Thai PM, nahaharap muli sa isang kaso

NAHAHARAP muli sa isang kaso si dating Thailand Prime Minister Thaksin Shinawatra ayon sa Office of the Attorney General ng kanilang bansa.

Rason dito ang paninira ni Shinawatra sa Thai Monarchy siyam na taon na ang nakalipas.

Matatandaang tatlong buwan na ang nakalipas nang mapalaya ang dating prime minister para sa ibang kaso na kinakaharap nito.

Subalit kung mapatunayan ang paninira nito sa Thai Monarchy ay makukulong ito ng hanggang 15 taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble