ITO ang legasiya ng mga Duterte sa Davao City, kaya naman hindi na nakapagtataka at hinirang itong isa sa mga safest city sa Southeast Asia.
Ayon sa Numbeo’s Southeast Asia Safety Index 2023, ang Davao City ay pumapangalawa sa talaan nito bilang ‘Safest City’ sa rehiyon na may 72.4 safety index.
Naniniwala naman si Davao City Councilor Tek Ocampo na kaya may respeto ang mga residente at mga bumibisita sa Davao City ay dahil na rin sa political will ng mga nakaupo na lider ng siyudad, ang mga Duterte.
At kahit pa nagkaroon ng rigodon kamakailan sa mga namumuno sa PNP Region 11 ay hindi aniya ito magiging hadlang upang mapanatili ng Davao City ang status nito bilang ‘Safest City’.
“Sa usaping law and order kasi, Davao City kasi, sentro ito ng Mindanao. Kumbaga, this is where both the good and the bad meet sometimes. ‘Yung mga hindi masyadong mabubuting tao na nasa ibang lugar ng Mindano pupunta sila dito sa Davao. Even themselves feel safe here, even the bad people in some other places comes to Davao converge to Davao because they feel safe here, ibig sabihin respeto sila sa mga awtoridad sa leadership dito pag andito sila sa Davao hindi sila manggugulo,” pahayag ni Coun. Temujin ‘Tek’ Ocampo, 1st District, Davao City.
Sa kabila ng mainit at magulong sitwasyon ng politika sa bansa ay hindi nawawalan ng kumpiyansa ang mga Dabawenyo na mananatili pa ring ligtas ang Davao City. Ito nga’y kahit pa dumanas lang kamakailan ang lungsod ng marahas na pagtrato mula sa kapulisan na nangakong mangangalaga’t proprotekta sa kapakanan at kaligtasan ng mamamayang Pilipino.