HUMINGI na ng paumanhin si Davao City Mayor Baste Duterte hinggil sa panawagan nito na bumaba sa puwesto si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Ayon kay Sen. Imee Marcos, nilapitan siya ni Baste at paulit-ulit na humihingi ng paumanhin.
Naiintindihan din aniya kung bakit nasabi ito ni Baste lalo na’t ikinababahala nito ang posibleng pagkaaresto ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at nakatatandang kapatid na si kasalukuyang Vice President Sara Duterte.
Sa usapin tungkol sa akusasyon ni dating Pangulong Duterte na gumagamit ng droga si Pangulong Marcos, sinabi ni Sen. Imee na hindi siya mangingialam dito.