IGINIIT ni House Ways and Means Chairman Joey Salceda na tututulan nito ang mga hakbang na amyendahan ang political provisions ng 1987 Constitution.
Kabilang sa mga political provisions na maaaring baguhin ay ang term limits ng mga politiko.
Ani Salceda, kung ipapasok ang political provisions sa isinusulong nila na Charter Change, siya mismo ang tututol dito.
‘’I will vote no to any political amendments,’’ ani Salceda.
Idiniin din ng mambabatas na mapagduda ang mga Pilipino na hindi mahalata kung magpapasok man sila ng political provisions kung magtatagumpay ang kontrobersiyal na People’s Initiative (PI).
Sa bersiyon ng Kamara, economic provisions lamang ang kanilang aamyendahan para makapagpapasok ng maraming foreign direct investment sa bansa.
Ngunit, sa Senate investigation, lumabas sa bibig ng mga witness na marami sa mga pumirma sa kontrobersiyal na PI ang hindi alam ang nilalaman ng kanilang pinirmahan.