NAGBABALA ang Cauayan City Police Station kaugnay sa posibleng nakawan sa mga commercial building ngayong holiday season.
Sinabi ni Police Lieutenant Scarlet Topinio, tagapagsalita ng Cauayan City Police station na mahigpit naring inalerto ang kanilang mga tauhan na magmonitor sa mga commercial establishments.

Ayon kay Topinio sa ngayon ay regular na nag-iikot ang kanilang mga tauhan sa ibat-ibang lugar upang mahadlangan ang mga nagbabalak magnakaw ngayong holiday season.
Binuhay rin nila ang Oplan tambuli na umiikot upang magbigay paalala sa mga publiko na mag-ingat laban sa mga magnanakaw.
Nitong nakaraang buwan ay nakapagtala ang himpilan ng pulisya ng ilang insidente ng nakawan kung saan kabilang sa pinasok ng mga magnanakaw ang isang pawnshop at isang planta.
