ANG pagpapaalis sa mga dating miyembro ng HNP, epektibo, nitong araw ng Lunes, Abril 15, 2024.
Ayon sa opisyal na pahayag ng HNP, dumaan sa masusing pagsusuri ang inilabas nilang desisyon kasunod ng mga kaganapan at naging pagkilos na napatunayang taliwas o salungat sa prinsipyo at polisiya ng partido.
Nakasaad din dito na sa mga susunod na araw ay inaasahan ng HNP ang kusang-loob na pagbibitiw ng iba pang kasapi ng partido habang patuloy na naghahanda para sa susunod na halalan.
Ang Hugpong ng Pagbabago (HNP) ay binuo ni Vice President Sara Duterte taong 2018 para suportahan ang noo’y administrasyon ng kaniyang ama na si Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.