DBM, inaprubahan ang mahigit P25-B pondo para sa health insurance ng nasa 8M indigent

DBM, inaprubahan ang mahigit P25-B pondo para sa health insurance ng nasa 8M indigent

APRUBADO na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagbibigay ng P25.16-B pondo sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) para sa isang taong health insurance premiums ng nasa 8 milyong indigents.

Ayon sa DBM, inaprubahan na ng kalihim nitong si Amenah Pangandaman ang Special Allotment Release Order (SARO) para sa pondo.

Kukunin ang pondo mula sa authorize allotments ng 2023 national budget.

Ani Pangandaman, pinamulat ng pandemya ang kahalagahan ng matatag na health care system kung kaya’t pinagsisikapan nilang ibiga ito sa taumbayan lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Matatandaan na noong Abril lamang nang aprubahan din ng DBM ang nasa P42.9-B para sa isang taong health insurance premiums naman ng nasa 8.5 milyong senior citizens sa buong bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter