NAKAKUHA ng award mula sa 2023 Los Angeles Asian Pacific Film Festival ang Filipino comedy film na “Where is the Lie?”.
Ang Special Jury Recognition Award na nakuha ng comedy film ay para sa narrative programs section.
Tampok dito si Maris Racal, Royce Cabrera at EJ Jallorina.
Sumentro ang kuwento ng naturang film sa scams at iba pang panganib sa web.
Samantala, tampok din sa festival ang ibang Filipino films gaya ng “Deleter” ni Nadine Lustre; at “In My Mother’s Skin” ni Kenneth Dagatan.