NAGPAABOT ang Development Bank of the Philippines (DBP) ng credit assistance para sa modernisasyon ng public utility jeepneys (PUJs) sa bansa.
Ang Batangas Transport Cooperative ay nakatanggap ng P152-M na credit assistance kamakailan mula sa nabanggit na bangko upang makabili ng 85 modern PUJ units.
Ayon kay DBP President at CEO Emmanuel Herbosa, paraan ito ng state-run bank na makatulong tungo sa pagpapaunlad ng transport system ng bansa.
Sinabi naman nito na ang loan financing ay sa ilalim ng Program Assistance to Support Alternative Driving Approaches (PASADA) ng DBP.
Layunin nito ang isang sustainable na transport system sa mga probinsya.
Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpaabot ng credit assistance ang DBP.