Degassing activity sa Bulkang Kanlaon, nai-monitor ng PHIVOLCS

Degassing activity sa Bulkang Kanlaon, nai-monitor ng PHIVOLCS

NAI-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang isang degassing activity mula sa summit crater ng Bulkang Kanlaon nitong Martes, Oktubre 8, 2024.

Sa ulat pa ng Kanlaon Volcano Observatory, nasa 5,525 tons ang sulfur dioxide emission mula sa nabanggit na bulkan kahapon.

Simula nang pumutok ito noong Hunyo 3 ay nasa 4,182 tons lang ang sulfur dioxide emission ng bulkan.

Sa ngayon ay nasa Alert Level 2 ang Kanlaon.

Dahil dito, ipinagbabawal na ang pagpasok sa four-kilometer-radius permanent danger zone upang maiwasan ang volcanic hazards.

Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit dito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble