MULING nanawagan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat mawakasan na ang dekadang insurhensiya partikular ang karahasang dala ng rebeldeng New People’s Army (NPA).
Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa isang event sa Palo, Leyte, sinabi nito na kailangan nang tuldukan ang problemang ito sabay iginiit na hindi kailangang magpatayan ang kapwa Pilipino.
Saysay ng Punong Ehekutibo, kadalasan ay konektado sa lupa ang sanhi ng naturang problema.
Kaya, ani Pangulong Duterte, puspusan ang pamamahagi ng gobyerno ng lupain at pabahay sa mga nagbalik-loob o sumukong rebelde.
Kabilang sa mga pabahay na ipinamahagi ng pamahalaan ay ang Peace and Prosperity Village sa Leyte na pinangunahan mismo ni Pangulong Duterte nitong Huwebes.