IPINAG-UTOS ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na palakasin ng mining companies ang kanilang community development programs habang tinutugunan ang problema sa biodiversity loss.
Partikular na ipinag-utos ng ahensya sa mining sector ang pagsunod sa 17 sustainable development goals ng United Nations.
Ilan sa mga nakapaloob dito ang target na makamit ang walang kahirapan at kagutuman; pagkakaroon ng mabuting kalusugan; malinis na tubig at sanitasyon; abot-kaya at malinis na enerhiya; disenteng trabaho at paglago ng ekonomiya, at iba pa.
Sa pagtugon naman sa biodiversity loss ay sinabi ng DENR na binigyang mandato nila ang mining companies na tutukan ang reforestation, rehabilitasyon at pagpapanumbalik ng ecosystem.