DENR sa Metro Manila LGUs: Lumahok sa kompetisyon para sa malinis na estero

DENR sa Metro Manila LGUs: Lumahok sa kompetisyon para sa malinis na estero

SA ikaapat na taon ay muling aarangkada ang patimpalak na ‘Gawad Taga-llog: Search for the Most Improved Estero in Metro Manila’ ng Department of Environment and Natural Resources National Capital Region (DENR-NCR).

Sa isang press conference, umaga ng Huwebes, naglabas na ang DENR-NCR ng updated guidelines kasabay ng paglulunsad ng naturang programa.

Layunin kasi ng patimpalak na ito ay hikayatin ang mga barangay at lokal na pamahalaan sa Kalakhang Maynila na panatilihing malinis at walang basura ang kanilang water waste.

Ito ay bilang suporta sa Manila Bay Rehabilitation ng gobyerno lalo’t malaki na ang ipinagbago nito ngayon matapos ilunsad ang Battle for Manila Bay.

Sinabi ni Assistant Secretary Corazon Davis, chairperson ng Gawad Taga-Ilog (GTI) Board of Judges ng ahensiya na malaki ang papel ng mga barangay official para mabago rin ang pananaw at pag-uugali ng mga residente tungo pangangalaga ng kanilang kapaligiran.

“We encourage the local government to actively participate para siya rin magpupulis doon sa kabilang barangay and also the DILG kasi DILG is one of the members of the board of judges so nakita natin hopefully na mag-replicate din sa ibang mga barangay,” pahayag ni Corazon Davis, Chairperson, Gawad Taga-Ilog Board of Judges, DENR.

Sa ilalim ng bagong guidelines, mayroong dalawang kategoryang paglalabanan ang LGUs kabilang ang Category A na para sa mga hindi pa nanalo bilang Most Improved Estero sa mga nakalipas na taon.

Habang ang Category B naman ay para sa mga una nang nagwagi sa GTI na magiging Battle for Sustainability.

“So, dito namin pinapasok ‘yung sustainability to strengthen this at we don’t want them to getting the award as winner tapos na parang we have this pero tapos na we wanted more to push them to work harder to really sustain to whatever gains na nakuha nila out of their efforts and put initiatives and interventions,” saad ni Jacqueline Caancan, Regional Executive Director, DENR-NCR.

Bibigyan ang mga kalahok na LGU ng grado base sa criteria na nakapaloob sa operational plan for Manila Bay Coastal Strategy.

Kabilang ang solid at liquid waste, informal settler families at illegal structures, habitat and resources, at sustainability and partnership management.

Criteria for Judging:

  • Solid Waste Management – 25%
  • Liquid Waste Management – 15%
  • Informal Settler Families and Illegal Structures Management – 15%
  • Habitat and Resources Management – 20%
  • Sustainability and Partnership Management – 25%

Total : 100%

SOURCE: DENR-NCR

 

Aminado ang DENR-NCR na malaking hamon ito sa mga LGU na maging malinis at maayos ang mga estero.

“May mga barangay along water waste, maliliit yung o eskinita lang so hindi siya accessible o hindi siya napupuntahan ng truck na nangongolekta ng basura,” ayon kay Jacqueline Caancan, Regional Executive Director, DENR-NCR.

“Doon kami pumapasok na how to help or assist the barangay in terms of solid waste management,” ani  Caancan.

“We promote ‘yung mga trash to cash incentives na we provide the mechanism kung sino puwedeng kumuha o we provide likso o push cart para ang community mismo ang mobilize or barangay,” dagdag ni Caancan.

Batay sa datos ng DENR-NCR, aabot sa higit 270 estero ang mayroon sa Metro Manila at ang mga magiging nominadong estero ay sasailalim sa screening process, field validation, at deliberasyon.

Tatakbo ang GTI 4.0 mula Nobyembre hanggang sa Pebrero 2024 habang target namang isagawa ang awarding ceremony nito sa Marso 22, 2024 kasabay ng World Water Day.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble