DepEd at Go Negosyo Youthpreneur nagkaisa para sa mga kasanayan na akma sa Senior High School

DepEd at Go Negosyo Youthpreneur nagkaisa para sa mga kasanayan na akma sa Senior High School

DUMALO si Vice President at Secretary Sara Duterte sa ginanap na Go Negosyo Youthpreneur (Mentoring the Future Entrepreneurs) para mga mag-aaral sa Senior High School ng Rizal High School sa Pasig City noong nakaraang buwan.

Katuwang dito ang Go Negosyo, isang programang idinisenyo upang bumuo ng mga kasanayan na akma sa Senior High School Curriculum at mahulma ang entrepreneurial mindset ng mga kabataang mag-aaral.

Ani VP Duterte, bunga ito ng pakipag-usap kay Ginoong Joey Concepcion, ang nagtatag ng Go Negosyo noong nakaraang taon.

Ipinaalala naman ni VP Sara sa mga mag-aaral na hindi magiging madali ang buhay, ngunit walang makakatalo sa silakbo ng kanilang mga puso na magtagumpay sa kabila ng mga hamon.

Aniya ang susi sa pagbabago ng kanilang buhay ay ang pagkukusa at sipag mula na rin sa kanilang mga sarili.

Ayon pa sa pangalawang pangulo na hangad niyang makapagtapos ng pag-aaral ang mga kabataan upang baging bahagi at makatulong ang mga ito sa kaunlaran ng bansa.

“Pangarap natin na ang mga kabataang Pilipino ay makapagtapos ng pag-aaral at maging bahagi sa paghubog ng ating bansa,” saad ni VP Sara Duterte.

Upang aniya maraming buhay ang magbago at matulungan ang mga pamilya sa pamamagitan ng pagnenegosyo.

“Nawa’y maraming buhay ang magbago at maraming pamilya ang matulungan bitbit ang mga gabay na ating ibinahagi, ang matuto ng wasto at mapakinabangan na angkop sa larangan ng pagnenegosyo,” aniya pa.

Sa muli nagpapasalamat ito sa Go Negosyo, sa mga tagapagturo at gabay, sa pagtaguyod at sa kanilang pagtulong sa Kagawaran upang makamit ang pangarap ng mga kabataang Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble