DepEd, DICT naglunsad ng programang tutulong sa mga estudyante kumita online

DepEd, DICT naglunsad ng programang tutulong sa mga estudyante kumita online

INILUNSAD kamakailan dito sa Cebu ang programang “Pay IT Forward: A Digital Transformation Advocacy” kung saan tuturuan ang mga estudyante kung paano gamitin ang mga plataporma ng social media upang kumita, kabilang na ang pagiging mga content creator, social media manager, o virtual assistant.

Bahagi ito ng kanilang layunin na mabigyan ang mga kabataang Pilipino ng mga kasanayan sa digital na hanapbuhay, nakipagtulungan ang Department of Education (DepEd) at ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa digital media company na Republic Asia at sa teknolohiyang paaralan na iAcademy upang ilunsad ang isang programa na magtuturo sa mga mag-aaral kung paano kumita ng pera online.

Isang kasunduan ang nilagdaan nitong nakaraang Biyernes, Abril 11, 2025 sa iAcademy, personal ito na dinaluhan ni DICT Secretary Henry Rhoel Aguda, DepEd Assistant Secretary Aurelio Bartolome, Founder at CEO ng Republic Asia na si Bran Reluao, Presidente ng iAcademy na si Raquel Wong, at iba pang mga bisita.

Ang inisyatiba ay kaugnay ng Free WiFi for All program ng DICT at ang patuloy na pagsuporta ng DepEd sa blended learning.

Bilang bahagi ng kanilang pangako, magbibigay ang Republic Asia ng 100 tablet at tatlong Starlink na device sa walong pampublikong paaralan sa Cebu upang matulungan ang mga komunidad na magkaroon ng mas mahusay na access sa internet.

Pinahayag ni Reluao na ang programang ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng Republic Asia na isulong ang digital inclusion at bigyan ng kapangyarihan ang mga komunidad sa pamamagitan ng teknolohiya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble