DepEd lumagda ng ‘disability inclusion’ program para sa lahat ng mga mag-aaral

DepEd lumagda ng ‘disability inclusion’ program para sa lahat ng mga mag-aaral

SUMALI ang Pilipinas sa isang global sports inclusion program matapos lumagda ang Department of Education (DepEd) sa isang kasunduan sa pagitan ng isang organisasyon.

Sa 4-year partnership sa pagitan ng DepEd at Special Olympics Pilipinas, nasa 50,000 na mga mag-aaral na may o walang intellectual disabilities ang sabay-sabay na magsasanay at magpapaligsahan sa pare-parehong sports teams.

Target nito ang mai-promote ang ‘inclusion and empathy’ o ang ‘pagsasama at pakikiramay’ ng isa’t isa.

Ang kasunduan na tatagal mula Pebrero 2025 hanggang Disyembre 2028 ay magtatagtag ng unified sports programs sa hindi bababa sa 500 paaralan sa buong bansa mula preschool hanggang senior high school.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble