DepEd, nagbabala sa kumakalat na mga pekeng DepEd cash assistance

DepEd, nagbabala sa kumakalat na mga pekeng DepEd cash assistance

IBINABALA ngayon ng Department of Education (DepEd) sa publiko ang kumakalat sa online na pekeng DepEd cash assistance.

Ito ay ang umano’y pamamahagi ng walong libong piso na cash assistance sa lahat ng graduating students sa kolehiyo, senior high school, high school at elementary kung saan kailangang isumite ng mga ito ang kanilang aplikasyon bago ang Mayo 20 ngayong taon.

Ang isang impormasyon naman ay may deadline na Mayo 29.

Nakalagay pa sa naturang pekeng DepEd cash assistance na ang hinihinging requirements ay PSA, good moral certificate at report card.

Kaugnay nito, nagpaalala ang DepEd na manatiling mapagmatyag laban sa misinformation at ugaliing bumisita sa website at official Facebook at Instagram account ng ahensya para sa official announcements at information.

Hinimok rin ng DepEd na i-report ang anumang misleading at kaduda-dudang impormasyon kaugnay sa basic education sa kanilang email sa DepEd action center at DepEd ([email protected]).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble