PBBM, tinawanan lang ang nag-leak na umano’y PDEA document na nag-uugnay sa kanya sa ilegal na droga

PBBM, tinawanan lang ang nag-leak na umano’y PDEA document na nag-uugnay sa kanya sa ilegal na droga

TINAWANAN lang ni Pangulong Bongbong Marcos ang nag-leak na umano’y mga dokumento mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nag-uugnay sa kaniya sa ilegal na droga.

Tumawa lang si Marcos Jr. at lumayo nang tanungin ng media na magbigay ng komento hinggil sa nasabing isyu.

Noong Abril, sinabi ni PDEA director general Moro Virgilio Lazo na walang ganoong dokumento ng mga napaulat na paggamit ng droga nina Marcos at Soriano, na kumalat sa social media.

Subalit, naniniwala si Senador Ronald “Bato” dela Rosa, dating hepe ng Philippine National Police (PNP), na hindi gawa-gawa ang mga dokumento.

Inisa-isa ni Dela Rosa ang mga nakita niyang red-flag sa imbestigasyon ng kaniyang komite sa mga nag-leak na dokumento ng PDEA patungkol kay Marcos.

Kabilang sa dumalo sa naturang pagdinig sa Senado si dating PDEA Agent Jonathan Morales, na siyang pumirma sa pre-operations report.

Nanindigan si Morales na totoo ang operasyon at siya ang tumipa ng pre-ops batay sa salaysay ng isang confidential informant na itinuturo si Marcos at ang artistang si Maricel Soriano na umano’y gumagamit ng white powdery substance.

Matatandaan na nauna nang sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit ng ilegal na droga si Marcos Jr. at napabilang na ito sa narco-list ng PDEA.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble