DepEd, pinapayagan na magpatuloy sa blended learning ang ilang paaralan

DepEd, pinapayagan na magpatuloy sa blended learning ang ilang paaralan

NILAGDAAN ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ang DepEd Order No. 50, kung saan pinapayagang ipatupad ang blended learning sa mga piling pampublikong paaralan.

Ito ay para sa ilang lugar sa Pilipinas na nakararanas ng kalamidad lalo na sa mga piling lugar na nasalanta ng bagyo.

Kung saan pansamantala kinukumpuni o ginagawang evacuation centers ang ilang paaralan sa bansa.

Matatandaan, nauna nang pinatupad ang panukalang inilabas na kinakailangang magkaroon ng 5-day face to face classes ang mga paaralan simula November 2.

Sa huling datos ng DepEd, nasa 945 o nasa 744 na paaralan na sa Metro Manila ang naipatupad ang face to face classes.

 

Follow SMNI News on Twitter