DepEd, target na walang maitalang dropout dahil sa pag-recruit ng kaaway ng bansa; VP Sara, humiling na maibalik ang mandatory ROTC sa Higher Education

DepEd, target na walang maitalang dropout dahil sa pag-recruit ng kaaway ng bansa; VP Sara, humiling na maibalik ang mandatory ROTC sa Higher Education

TARGET ng Department of Education (DepEd) na walang maitalang dropout dahil sa pag-recruit ng kaaway ng bansa.

Sinabi ni Vice President Sara Duterte na maganda kung masanay ang mga kabataan para magserbisyo sa bansa.

Ani VP Duterte sa SMNI Exclusive kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy, karamihan sa mga nare-recruit ng CPP-NPA ay high school students na mula sa indigenous people o IP sector kaya naman nais nito na makamit ang target ng DepEd na walang maitalang dropout dahil sa na-recruit ito ng mga NPA.

Kaya naman, bilang tugon, hiniling ni Vice President Duterte na maibalik ang mandatory ROTC partikular sa Higher Education.

Kung sa Basic Education ay ituturo ng DepEd ang pagiging peace-builder ng kabataan, sa Higher Education naman aniya ay kailangang ma-train ang mga kabataan na magserbisyo sa bansang Pilipinas.

Sa huli ibinahagi rin ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang naging mabuting karanasan nito sa Philippine Military Training (PMT) na ngayo’y tinatawag na ROTC.

Ani Pastor Apollo, dapat maibalik ang ROTC dahil itinuturo nito kung paano mahubog ang ‘nationalism’ at ‘patriotism’ sa puso ng mga kabataan.

Follow SMNI NEWS in Twitter