DepEd, tinugunan ang isyu ng “zero budget” sa SPED

DepEd, tinugunan ang isyu ng “zero budget” sa SPED

NAGPANUKALA ang Department of Education (DepEd) ng P532 milyong pondo para sa Special Education Program (SPED) para sa Fiscal Year 2023.

Ito ang paglilinaw at sagot ng DepEd sa mga malisyoso at misleading reports na sadyang hindi isinama ng ahensya ang pondo para sa SPED.

Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd na sa kabila ng kanilang pagsisikap para isulong ang kapakanan ng mga mag-aaral na may special needs, hindi ito ikinonsidera sa National Expenditure Program (NEP).

Ayon sa DepEd, nagyayari ito taun-taon at palagi silang nakikipagtulungan sa mga miyembro ng Kongreso upang maghanap ng iba pang paraan para pondohan ang mga programa ng kagawaran.

Matatandaang nasa P710 bilyon ang panukalang budget ng DepEd sa ilalim ng 2023 NEP.

 

 

 

Follow SMNI News on Twitter