DFA, siniguro na walang Pinoy na nasaktan sa serye ng mga pananaksak sa Canada

DFA, siniguro na walang Pinoy na nasaktan sa serye ng mga pananaksak sa Canada

SINIGURO ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy ang nasaktan sa mga sunud-sunod na insidente ng pananaksak sa Saskatchewan, Canada na nagresulta sa pagkamatay ng 10 katao.

Ayon sa DFA, kinumpirma ito mismo ni Philippine Consul General Zaldy Patron.

Ayon sa kapulisan, nangyari ang insidente sa James Smith Cree Nation, isang bayan sa Welcon sa probinsya ng Saskatchewan.

Kinilala ng awtoridad ang mga suspek na sina Damien Sanderson at Myles Sanderson na sa ngayon ay pinaghahanap pa rin ng kapulisan.

Follow SMNI NEWS in Twitter