HANDOG ng veteran K-pop group na Super Junior ang isang single para sa kanilang 19th anniversary!
Sa anunsiyo ng kanilang talent agency na SM Entertainment, ang special digital single ay may pamagat na “Show Time”.
Ilalabas ito ngayong Hunyo 11, 6pm Korean standard time.
Susundan naman ang music release ng grupo ng “Super Show Spin-Off: Halftime” tour.
Magsisimula ito sa Hunyo 22 hanggang 23 sa KSPO Dome, Seoul at iikot ito sa walong iba pang lugar sa Asya.