DILG, DOH, gagawaran ang mga LGU para sa mahusay na COVID vax booster drive

DILG, DOH, gagawaran ang mga LGU para sa mahusay na COVID vax booster drive

GAGAWARAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Health ang mga local government units (LGUs) na gumawa ng magandang trabaho sa paghimok sa kanilang mga nasasakupan na mabakunahan at makakuha ng booster shots laban sa COVID-19.

Ayon sa DILG, ang parangal ay magiging ‘PinasLakas LGU Champions’ at bahagi ito ng memorandum circular na nilagdaan ng Department of Health (DOH).

Ang DOH-DILG Joint Memorandum Circular 2022-01 ay tungkol sa paggawad at pagkilala sa PinasLakas LGU Champions na naglalayon na ipagmalaki ang mga LGU na may mahusay na pagganap para sa kanilang pagsisikap sa pagpapatupad ng pagbabakuna sa kanilang mga nasasakupan.

Samantala ang kampanya ng PinasLakas ay inilunsad ng DOH sa suporta ng DILG at iba pang ahensya at stakeholder para suportahan ang pagpapatupad ng Republic Act (RA) No. 11525 o ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 at ang mga direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

 

Follow SMNI News on Twitter