DILG, ipinag-utos sa mga barangay na magsumite ng listahan ng unvaccinated residents

DILG, ipinag-utos sa mga barangay na magsumite ng listahan ng unvaccinated residents

IPINAG-UTOS ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga barangay na magsumite ng listahan ng unvaccinated residents sa kanilang nasasakupan na hindi pa nabakunahan kontra COVID-19 ito ay upang matiyak ang kaligtasan at maayos na kalusugan ng mamamayan.

Ito ang ibinahagi ni DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya kung saan lahat ng barangay sa buong bansa ang dapat magsumite nito.

Kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang restriksyon sa mga hindi bakunadong indibidwal.

Ani Malaya, inisyu ni Interior Secretary Eduardo Año ang naturang direktiba para sa implementasyon ng restriksyon ng galaw ng mga tao na hindi pa nakatanggap ng COVID-19 vaccine.

Hindi na po karamihan iyong mga barangay officials na hindi pa nagpapabakuna, konti na lang po iyan. Para po masiguro iyong datos natin ng mga unvaccinated nagpalabas po si Secretary Año ng Memorandum Circular para magsagawa ng imbentaryo ang lahat ng mga barangay sa buong bansa para malaman iyong mga hindi pa nagpapabakuna sa mga Barangay,” pahayag ni Malaya.

Oras na maging available na ang imbentaryo ng mga pangalan, maaari nang maipatupad ng mga barangay ang restriksyon sa mga unvaccinated individual sa pamamagitan ng isang ordinansa.

Samantala, inihayag ng DILG spokesman na sa Metro Manila, may tatlong LGU na lamang ang hindi pa nagpapasa ng kanilang ordinansa patungkol sa restriksyon ng galaw ng mga hindi bakunado.

Kabilang sa tatlong LGU na ito ang Pasig, Makati, at Navotas na nakatakda pang magpasa ng ordinansa.

Inaasahan naman ng DILG na sa mga susunod na araw, lahat ng mga LGU ay magkakaroon na ng kani-kanilang ipinasang ordinansa.

“Sa report ng DILG-NCR, mayroon ng nakasalang na mga ordinansa sa konseho ng Navotas, Makati and Pasig ngunit hindi pa po ito naaprubahan. In other words it’s under deliberation by the city council and we expect in the next few days ay mapapasa na po ito dahil unanimous naman po iyong naging decision ng lahat ng mayors ng Metro Manila na isusulong nila ang mobility restrictions against unvaccinated in consonance with the directive of the President,” ayon pa kay Malaya.

Samantala, muling umapela si Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) sa mga Pilipino na magpabakuna kontra COVID-19.

“I have been pleading, almost on bended knees, for our citizens to get the vaccine. Ang mga magsabi na walang vaccine, maraming vaccination centers, mamili ka lang,” ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte

Batay sa national COVID-19 vaccination dashboard, as of January 10, 2022, nasa mahigit 114 million na ang total doses administered; nasa mahigit 62 million ang nakatanggap na ng first dose, habang halos 53 million ang fully vaccinated.

Nasa mahigit 3.5 million naman ang nakatanggap ng booster dose.

“Hindi kami magsasawa sa pagpapaalala: Ang mga bakuna natin laban sa COVID-19 ay may Emergency Use Authorization mula sa Food and Drug Administration; lahat ng ito ay ligtas at epektibo. Lahat, anuman ang brand, ay nagbibigay ng proteksyon laban sa severe at critical cases ng coronavirus,” payahayag naman ni Sec. Karlo Nograles, Acting Presidential Spokesperson

 

Follow SMNI NEWS on Twitter