MAHIGPIT na ipagbawal ang mga tricycle, pedicabs at motorized pedicabs na bumiyahe sa mga pangunahing daan.
Ito ang panghihikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng inilabas nilang Memorandum Circular No. 2023-195 kamakailan.
Sinabi ng DILG na patuloy itong nakatatanggap ng mga report kung saan ang mga tricycle at pedicabs ay nagiging sanhi ng ilang aksidente dahil bumiyahe ito sa mga national road.
Sa taong 2022 lamang ay nasa 2,829 ang naitalang road accidents sa Metro Manila na may kaugnayan sa bikes, e-bikes at pedicabs.
2,241 naman ang road accidents na may kaugnayan sa tricycle.
Ipinaliwanag ng DILG na para din sa kaligtasan ng lahat ang dahilan kung bakit inilabas ang nabanggit na memorandum circular.