NAKAKUHA ng approval sa China ang respiratory syncytial virus (RSV) immunization para sa mga sanggol na gawa ng pharmaceutical industry company na AstraZeneca at Sanofi.
Inaasahan na ang tinutukoy na gamot na Beyfortus ay magiging available sa China sa nararating na 2024 hanggang 2025 RSV season ngayong aprubado na sa bansa.
Ang RSV ay isang lubos na nakakahawang seasonal virus na kilala sa sintomas nito na gaya ng sa sipon.
Nagiging sanhi ito para madala sa ospital ang mga sanggol at nakatatanda.
Samantala, nauna nang naging aprubado ang Beyfortus para sa RSV sa European Union at Estados Unidos.