KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umabot na sa halos 200 na diplomatic protest ang inihain ng Pilipinas sa China simula 2022 hanggang Enero 2023.
Kasunod sa panibagong ulat ng pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong mangingisda, naiulat na umabot na sa kabuoang 199 note verbales.
Sa kabila ng patuloy na pagkakaroon ng hidwaan sa usaping pandagat tiniyak ng DFA na patuloy na nagsisikap ang pamahalaan ng Pilipinas at Tsina para maging operational na ang bagong itinatatag na communication line.
Ayon kay DFA spokesperson Ma. Teresita Daza, ito ay tumutukoy sa director-level communication mechanism na itinatag sa pagitan ng DFA at ng Ministry of Foreign Affairs ng People’s Republic of China sa mga isyung may kinalaman sa South China Sea nito lamang buwan.
Aniya na ang bagong mekanismo ay isang karagdagang diplomatic channel na umiiral na regular na ginagamit ng parehong mga ahensya tulad ng notes verbales at bilateral consultative mechanism at iba pa.
Sinabi niya na ang lahat ng mga isyung pandagat ay patuloy na itataas sa pamamagitan ng mga channel na ito, kabilang ang kamakailang insidente kung saan itinaboy ng Chinese Coast Guard ang mga Pilipinong mangingisda.
Ayon kay Daza, ang DFA ay gagawa ng nararapat na diplomatikong aksyon batay sa mga opisyal na ulat.
Mula noong 2022, ang DFA ay nagpadala ng kabuoang 199 notes verbales at diplomatic protest sa China, 4 sa mga ito ay inihain ngayong taon.
Samantala hindi rin nabanggit ng DFA kung sa mga note verbales na nabanggit kung ilan ang tinugon ng China at isinawalang bahala.