Director Paul Soriano, nanumpa na bilang Presidential Adviser for Creative Communications

Director Paul Soriano, nanumpa na bilang Presidential Adviser for Creative Communications

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panunumpa ng film director na si Paul Soriano bilang Presidential Adviser for Creative Communications.

Sa Instagram story ni PBBM, makikita ang panunumpa ni Soriano sa harap ng Pangulo.

Sinamahan naman ito ng kanyang maybahay na si Toni Gonzaga at kanilang anak na si Seve.

Ginanap ang oathtaking sa Palasyo ng Malakanyang ngayong Lunes, Oktubre 17.

Matatandaang kinumpirma ni Soriano na mayroon ding alok sa kanya na maging susunod na press secretary subalit tumanggi siyang tanggapin ang posisyon.

Binigyang-diin ni Soriano na mas makapaghahatid siya ng mas mabuting serbisyo sa ‘behind the scenes’ sa pakikipagtulungan sa communications team ng chief executive.

Kung maalala, si Soriano ang director ng unang State of the Nation Address ni Pangulong Marcos noong Hulyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter