Disisyon ng CA na pumabor sa 4 na mediamen, kinatigan ng Korte Suprema

Disisyon ng CA na pumabor sa 4 na mediamen, kinatigan ng Korte Suprema

KINATIGAN ng Korte Suprema ang disisyon ng Court of Appeals (CA) na pumabor sa 4 na mediamen.

Pinagtibay ng Supreme Court ang naunang desisyon ng CA na nagsabing illegal dismissal ang ginawa ng ABS-CBN sa kanilang apat na cameramen.

Kaugnay riyan ay inutusan ng Korte Suprema ang ABS-CBN na bayaran ang separation pay ng apat na cameraman na sina Kessler Tajanlangit, Vladimir Martin, Herbie Medina, at Juan Paulo Nieva na ilegal nilang tinanggal sa trabaho.

Hiningi nila sa Supreme Court na pagtibayin ang desisyon noong Setyembre 2021 na nagsasaad na bayaran na lang sila ng kompanya dahil ayaw na nilang bumalik sa trabaho matapos mawalan ng prangkisa.

Sa halip na ibalik sila sa trabaho ay hiniling nila sa Supreme Court na pagbayarin na lang ang kanilang kompanya ng separation pay; backwages at 10% na attorney’s fee.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble