Rally sa Cebu at EDSA People Power Anniversary at iba pang malalaking aktibidad, generally peaceful—PNP Chief

Rally sa Cebu at EDSA People Power Anniversary at iba pang malalaking aktibidad, generally peaceful—PNP Chief

NAGING mapayapa sa pangkalahatan ang ilan sa malalaking aktibidad na ginanap sa iba’t ibang bahagi ng bansa gaya ng prayer rally sa Cebu at EDSA People Power Anniversary—PNP

Naging mapayapa sa pangkalahatan ang ilan sa malalaking aktibidad na ginanap sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda Jr. sa panayam ng media sa regular Monday press briefing nito sa Kampo Krame.

Kasama na rito ang mapayapang pagsasagawa ng prayer rally sa Cebu sa pangunguna ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Linggo, Pebrero 25, 2024.

Habang naging maayos naman sa kabuuan ang paggunita ng EDSA People Power nito sa kaparehong araw.

Pawang walang naitalang untoward incident ang PNP sa parehong aktibidad bunsod aniya ng malawakang pagpapakalat nito ng mga tauhan sa iba’t ibang panig ng bansa.

Naging maayos din ang huling mga aktibidad ng pagdiriwang ng Panagbenga Festival sa Baguio City.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble