DND, ipinagdiwang ang ika-84 anibersaryo ngayong araw

DND, ipinagdiwang ang ika-84 anibersaryo ngayong araw

PINANGUNAHAN ni Department of National Defense (DND) Sec. Gilberto Teodoro, Jr. ang pagdiriwang ng ika-84 anibersaryo ng DND ngayong araw, Nobyembre 24.

Kasama ng kalihim ang matataas na opisyal ng DND at Armed Forces of the Philippines (AFP) kabilang si AFP Chief of Staff General Romeo Brawner, Jr.

Tema ng pagdiriwang ay “Building a Stronger Nation, Securing a Safer Future”.

Sa kaniyang talumpati, binigyang-diin ni Teodoro ang mga pagbabagong ginawa sa kagawaran upang mapabilis ang kanilang proseso.

Gayundin ang patuloy na pagtatanggol sa teritoryo ng bansa para sa mas maunlad na hinaharap at mapayapang rehiyon.

Siniguro din ni Teodoro ang usapin sa pension ng military personnel sa kabila ng ilang agam-agam ng ilang miyembro ng AFP.

Samantala, pinarangalan din ng DND ang mga natatanging kawani ng kagawaran lalo na ang mga nagsilbi sa panahon ng pandemya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter