Quezon Governor, suportado ang “no peace talks” ni Sec. Teodoro

Quezon Governor, suportado ang “no peace talks” ni Sec. Teodoro

SUPORTADO ni Quezon Province Governor Angelina “Helen” de Luna Tan ang posisyon ni Secretary of National Defense Gilberto “Gibo” Teodoro, Jr. na ibasura ang peace talks.

Sa pagitan ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sa ginawang virtual press conference ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sinabi ni Gov. Tan na sang-ayon siya sa naging pahayag ng kalihim.

Dahil base sa kanilang karanasan mas epektibo ang ginagawang pag-iikot ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Army, sa mga liblib na barangay dahil sa pamamagitan aniya nito ay namulat ang kamalayan ng taong bayan sa mga magagandang programa ng pamahalaan.

Samantala kinumpirma din ni 2nd Infantry Division chief Major General Roberto Capulong ng Philippine Army na malaya na mula sa mga kamay ng mga rebeldeng grupo ang Quezon Province.

At sinabi na malaking papel ang ginampanan ng NTF-ELCAC.

Kaugnay nito ay pinuri din ni Gov. Tan ang kasundaluhan at kapulisan dahil sa mga ginagawa nitong sakripisyo para lang maisalba ang 41 munisipalidad at siyudad sa probinsiya ng Quezon mula sa mga bayolenteng aktibidad ng communist terrorist groups (CTGs).

Sa kabila nito sinabi ni Gov. Tan na kahit na kamit na nila ang ‘insurgency-free province’ ay kanila paring ipatutupad at palalakasin pa ang mga programa ng pamahalaan.

Follow SMNI NEWS in Twitter