DND, kumpiyansa sa pagkakatalaga kay dating Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang Chairman ng BCDA

DND, kumpiyansa sa pagkakatalaga kay dating Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang Chairman ng BCDA

NAGPAABOT ng pagbati ang Department of National Defense (DND) kay dating Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos maitalaga bilang Chairperson ng Board of Directors ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Si Delfin Lorenzana ay nanumpa kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malacañang kahapon.

Ang BCDA ay isang government-owned and controlled development corporation na nilikha para i-develop ang dating US military bases at properties.

Pangunahing benepisyaryo ng BCDA ang Armed Forces of the Philippines (AFP), kung saan nakapag-ambag ito ng pondo para sa modernization program ng militar sa mga nakalipas na taon.

Sa isang pahayag, sinabi ni DND spokesperson Director Arsenio Andolong na kumpiyansa silang maitataguyod ni Lorenzana ang BCDA tungo sa mas malakas na pakikipagtulungan hindi lamang sa AFP, kundi sa lahat ng stakeholders para sa pagpapaunlad ng economic hubs at komunidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter