Dobleng Go Rewards points sa mga booking, handog ng Cebu Pacific

Dobleng Go Rewards points sa mga booking, handog ng Cebu Pacific

Dobleng Go Rewards points ang makukuha ng mga passaherong magbo-book ng flight hanggang Disyembre 31, 2026 sa Cebu Pacific.

Sa ilalim ng promo, sakop ang mga eligible domestic at international flights na pinapatakbo ng Cebu Pacific at Cebgo.

Maaari ring pumili ang mga pasahero ng anumang available na travel date, kahit sa labas na ng holiday season ang nakatakdang biyahe.

Para makakuha ng dobleng points, kailangang miyembro ang pasahero ng myCebuPacific at Go Rewards, at naka-link ang kanilang mga account sa oras ng booking.

Maaari namang gamitin ang naipong Go Rewards points sa pag-book ng mga susunod na flight at pagbili ng mga add-on service.

Para sa kumpletong mechanics, eligibility requirements at terms and conditions, maaaring bisitahin ang official website ng Cebu Pacific.

RELATED STORIES:

Cebu Pacific, tumanggap ng ikaanim na aircraft ngayong taon

Cebu Pacific, may Piso sale para sa 2027 travels

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter