313 Libong manggagawa sa Ilocos, Cagayan, may dagdag-sahod

313 Libong manggagawa sa Ilocos, Cagayan, may dagdag-sahod

Makatatanggap ng dagdag-sahod ngayong Disyembre ang mahigit 313 libong manggagawa at kasambahay sa Ilocos Region at Cagayan Valley.

Ito ay matapos aprubahan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang apat na bagong wage order sa dalawang rehiyon.

Sa Ilocos Region, nasa ₱35 hanggang ₱40 ang dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earner, habang ₱450 naman ang dagdag sa buwanang sahod ng mga kasambahay.

Sa Cagayan Valley, nasa ₱30 hanggang ₱40 naman ang dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa at ₱500 para sa buwanang sahod ng mga kasambahay.

Inaasahang magkakabisa ang mga bagong wage order sa Disyembre 14 sa Ilocos Region at Disyembre 16 naman sa Cagayan Valley.

Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, layunin ng dagdag-sahod na matulungan ang mga manggagawa na makasabay sa tumataas na gastusin sa pamumuhay nang hindi nalalagay sa alanganin ang operasyon ng mga negosyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter