DOF, manghihiram ng 500-M dollars para sa recovery efforts mula sa Bagyong Carina

DOF, manghihiram ng 500-M dollars para sa recovery efforts mula sa Bagyong Carina

MANGHIHIRAM ng 500 million dollars ang bansa para gamitin sa relief at recovery efforts ng mga lugar na lubhang apektado ng Bagyong Carina.

Ayon kay Department of Finance (DOF) Sec. Ralph Recto, agad-agad na makukuha ang pondo mula sa World Bank kung magdedeklara si Pangulong Bongbong Marcos Jr. ng state of calamity.

Sa ngayon ay mayroon namang nakahanda na P2.88-B na halaga ng tulong sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ang Bagyong Carina ay inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) gabi ng Miyerkules, Hulyo 24 o umaga ng Huwebes, Hulyo 25, 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble