DOF, positibo na makakamit ang P4.05-T na collection target ngayong 2024

DOF, positibo na makakamit ang P4.05-T na collection target ngayong 2024

POSITIBO pa rin ang Department of Finance (DOF) na maabot ng Marcos admin ang tax collection target para sa taong 2024.

Ibig sabihin, mananatiling nasa P4.05-T ang collection target.

Sa kabila ito ng mabagal na gross domestic product target sa kasalakuyan ayon kay DOF Sec. Ralph Recto.

Kung sisilipin ang revised 2024 GDP target, mula sa 6.5-7.5% ay ibinaba ito sa 6.0-7.0%.

Ayon sa kalihim, nakikita niya namang maganda ang takbo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) kung kaya’t naniniwala siyang makakamit ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble