HINIHIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang lahat na makilahok sa measles vaccination drive.
Lalo na at may pagtaas ng kaso ngayon ng measles at pertussis.
Simula Marso 13 ay binuo na rin ng ahensiya ang DOH Public Health Emergency Operations Center na nangunguna sa on-the-ground action upang matugunan ang kaso ng measles.
Katuwang ng DOH dito ang World Health Organization (WHO), United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) at United States Center for Disease Control (USCDC).