NAKAPAGPALABAS na ng P76.1-B ang Department of Health (DOH) para sa health emergency allowance ng public at private health professionals.
Alinsunod ito sa Republic Act No. 11712 o mas kilala bilang Public Health Emergency Benefits and Allowances for Health Care Workers Act, kung saan binibigyan ng compensation ang frontline health workers na nag-alay ng serbisyo sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa record, katumbas ito ng P8.5-M na claims mula Hulyo 1, 2021 hanggang Hulyo 20, 2023.
Ipinangako ng DOH na patuloy silang makikipag-ugnayan sa Department of Budget and Management (DBM) hinggil sa pondo para sa health emergency allowance.