NAKAPAGTALA ng 123 na bagong kaso ng leptospirosis ang Department of Health (DOH) sa buong bansa sa nakaraang isa hanggang dalawang linggo o mula Agosto 18-31, 2024.
Sa datos, 48 cases ay nagmula sa National Capital Region (NCR).
Sa buong bansa, mula sa naturang kaso, Mayroong 7 nasawi kung saan 2 ang mula sa NCR.
Ayon sa ahensiya, ang incubation period ng leptospirosis ay maaaring mula 2 hanggang 30 araw.
Karaniwang lumalabas ang sintomas ng sakit, mga 1-2 linggo pagkatapos ng exposure sa baha.
Nananatili namang alerto ang DOH dahil sa posibilidad na tataas pa ang lepto cases dulot ng mga nagdaang masamang panahon.